Pumunta sa nilalaman

Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896/9

Mula Wikisource
1934Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 — Buhat kay Rizal para sa Kanyang Ina1962José Rizal
MediaWiki:Proofreadpage pagenum template
9. Buhat kay Rizal para sa kanyang Ina*


Maynila


GINANG TEODORA ALONSO,

PINAKAMAMAHAL KONG INA:

Kahapon, nang ika-3:10 ng hapon, ay dumating ako_sa Maynila nang walang anumang kapansanan at may napakagandang panahon.

Natagpuan ko ang bayaw kong si Antonino¹ at si Dandoy sa bahay ng kapatid niyang babae, 2 at kinumusta kayong naririyan.

Nagsisimula na ang aking mga pag-aaral; binabalak kong humingi ng ilang araw ng pagliliwaliw upang magparaan sa piling ninyo sa dahilang diyan lamang ako nasisiyahan.

Wala ng iba, magiliwing kumusta sa mababait kong mga kapatid at mga bayaw, gayon din sa aking mga kaakit-akit na kapatid na babae. Ako nawa'y basbasan ninyong dalawa ni Ama.

Ang inyong anak na nagmamahal sa inyo ng buong puso,

Jose Rizal

Ipinakukumusta kayo ni Tiyo Antonio.³

__________

Padron:* Ang sulat na ito'y di-malayong ginawa sa Maynila, gaya ng nasasaad sa unang talataan, sa loob ng buwan ng Hunyo, 1879 o 1880, sapagka't tumutukoy na sa kanyang mga bayaw, bagay na nagpapakilalang nang panahong iyon ay may mga asawa na ang kanyang mga kapatid na sina Narcisa at Lucia.

1Ang tinutukoy na bayaw niyang si Antonino ay dili iba kundi si Antonio Lopez, na naging asawa ng kanyang kapatid na si Narcisa noong 1875; ang Dandoy ay si Leandro Lopez, na kapatid ng kanyang bayaw, na noo'y nag-aaral din sa Maynila.

2 Ang binabanggit na kapatid na babae, ay ang kapatid na babae ni Antonino na nagngangalang Filomena, asawa ng isang mangangalakal sa Maynila na nagngangalang Mariano Buenaventura.

3 Ang sinasabing "Tiyo Antonio" ay dili iba kundi si G. Antonio Rivera, na ama ni Leonor.

—11—