Pumunta sa nilalaman

Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896/8

Mula Wikisource
Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (1962)
edited by Pambansang Komisyon ng Ikasandaang Taon ni José Rizal
Buhat kay Paciano para sa kanyang kapatid na si Rizal by Paciano Rizal
1933Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 — Buhat kay Paciano para sa kanyang kapatid na si Rizal1962Paciano Rizal
MediaWiki:Proofreadpage pagenum template
8. Buhat kay Paciano para sa kanyang kapatid na si Rizal


Isang ahas para sa mga Parimg Heswita.
* * *
Kalamba, [Laguna]
Ika-30 ng Hulyo, 1880


[G. Jose Rizal]

MINAMAHAL KONG KAPATID:

Sa himpilang ito ay tinanggap ang isang patalastas na galing sa obserbatoryo, na sinasabing magkakaroon ng baha; alamin mo ito sa mga parè kung may katotohanan, at sakaling totoo nga ay nararapat kang umuwi agad, sapagka't sa panahong iyan ay wala ka na rin lamang maaaring gawin diyan, bukod sa ito ang ninanais ng ating mga magulang.

Ang mga bagay na hinihingi mo sa akin sa iyong sulat ay ipadadala ko sa Lunes sa pamamagitan ni Kapitan Juan, na magdadala ng isang ahas na dikaraniwan at ihahandog niya sa museo ng mga paring heswita.

Kung bagaman si Damaso ang tumutol sa pagbabayad kay tiyo Ramon, gaya ng sinabi ko sa iyo sa una kong sulat, ngayon ay nagpapamalas na siya ng isang anyong tungo sa pakikipagkasundo, upang mailagan, marahil, ang pakikipagusapin.

Ang iyong kapatid,
PACIANO RIZAL MERCADO


—10—