Pumunta sa nilalaman

Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896/7

Mula Wikisource
1932Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 — Buhat kay Rizal para kay Paciano1962José Rizal
MediaWiki:Proofreadpage pagenum template
7. Buhat kay Rizal para kay Paciano
[Maynila,]
Ika-27 ng Hulyo, 1880


G. Paciano Rizal,
Kalamba.


MINAMAHAL KONG KAPATID.

Tinanggap ko ang sulat mo at natanto ang nilalaman.1

Nararapat na si Anastacio’y2 nasa dalubhasaan, sa dabilang hindi naman siya malikot; bukod ditoy hindi pinahihintulutang lumabas ng Pare Rektor ang sinuman.

Ang unan ko’y hindi na magamit halos. Tingnan natin kung ako’y padadalhan ninyo ng dalawang bago, at sinasabi kong dalawa, sa dahilang kung pumarito ang sinuman sa inyo, ay mavroon siyang isang magagamit na. Ninanais ko rin sanang ang mga iyo’y magkaroon ng sariling punda, at ilang kumot.

Binigyan ko ng dalawang piso ang mga Rubio;3 at ninanais ko sanang ipadala ninyo sa akin ang gugulin ko para sa buwan ng Agosto gaya ng napagkayarian naming dalawa ni Nanay. Ikagagalak kóng gayón na lamang kung magagawa ninyo ang dakilang kaloob na ito.

Wala nang iba, pagmamahal sa lahat at mag-utos ka sa iyong kapatid.

Jose Rizal


__________
1Ang sulat na binabanggit ay wala sa alin mang akla t o kasulatan.
2Ang sinasabing Anastasio ay isang binatang taga-Kalamba na madalas banggitin sa mga sulat ni Rizal sa palayaw na Tasio. Ang apelyido nito ’y Banatin, at anak ng isang tinatawag na Juan na naging Kapitan Munisipal ng bayan ng K alam ba sa loob ng dalaw ang taon — 1867-1868..
3Ang salitang “mga Rubio” ay tumutukoy sa dalaw ang binatang magkapatid na sina Vicente at isang tila nagngangalang Cipriano.

-9-