Pumunta sa nilalaman

Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896/6

Mula Wikisource
Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (1962)
edited by Pambansang Komisyon ng Ikasandaang Taon ni José Rizal
Buhat kay Saturnina para sa kanyang kapatid na si Rizal by Saturnina Rizal
1931Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 — Buhat kay Saturnina para sa kanyang kapatid na si Rizal1962Saturnina Rizal
MediaWiki:Proofreadpage pagenum template
6. Buhat kay Saturnina para sa kanyang kapatid na si Rizal


Alaala kay Leonor Rivera
***
Kalamba, [Laguna, K.P.]
Ika-10 ng Oktubre, 1879


[G. Jose Rizal]

MAHAL KONG KAPATID:

Huwag mong kalilimutan ang tambol at isang paruparong ipinagbibili sa Eskolta.

Sabihin mo kay Titay na ipadala agad sa akin ang aking "argoneo"* na ipinagagawa ko sa kanila at tingnan mo rin kung nagkakaayos ang aming kuwenta.

Hanggang dito na lamang at kalakip nito ang aking pagmamahal sa tiya Betang, sa tiyo Antonio, kay Leonor at sabihin mo lamang kay tiya Betang na hanguin agad sa buslo ang mga dalandan upang huwag mabulok.

SATURNINA [RIZAL]

Habol: Ipinahahatid ko ang aking alaala sa mga komedyante at mga sirkero, sa mga Apacible at Alberto.
__________

Padron:* argoneo—palawit ng Kuwintas.

—8—