Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896/3
Itsura
MediaWiki:Proofreadpage pagenum template
3. Buhat kay M. T. Hidalgo para kay Rizal
Si Rizal ay magtatapos ng pag-aaral.
* * *
Ika-10 ng Pebrero, 1877
Tanawan, Batangan
Tanawan, Batangan
G. Jose Rizal Mercado
Minamahal kong Jose:
Sa hangad na batiin kita buhat dito sa bahay, bukod sa alamin kung kailan ka magtatapos ng pag-aaral, ay minarapat kong sulatan ka ng mga talatang ito, at ipamanhik na mangyaring sabihin mo sa akin kung ikaw ay nagbabalak na maghanda para sa bagay na ito, upang kahit na paano'y makapag-abuloy ako bilang pagpapakilala ng aking pagmamahal.
Samantala, at sa paniniwalang ikaw ay aking minamahal, ay mag-utos ka sa iyong lingkod sa anumang maitutulong sa iyo. Libu-libong alaala.
Nagmamahal sa iyo
Manuel Timoteo de Hidalgo