Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896/11
- [Maynila]
- Ika-9 ng Nobyembre, 1880
[GNG. TEODORA ALONZO]
MINAMAHAL KONG INA:
Ang sanhi ng sulat na ito ay ibig kong kunin na ninyo ako rito sa kalahatian ng buwang lumalakad, sapagka't hindi na ako makapagtiis dito, dahil sa ako'y pinapalo nang gayon na lamang, at saka ako'y hinihiyang palagi pagka't ako raw ay walang ginagawa kundi kumain lamang nang kumain, kaya ako'y nahihiya nang labis-labis.
Ito na lamang at hinihintay ko kayo, kung ako'y kukunin ninyo o hindi.
Ang iyong anak na naghihintay ng inyong bendisyon.
- S.D.Q.
- MARIA SOLEDAD MERCADO [RIZAL]
- S.D.Q.
Habol: Huwag ninyong ipakikita ito kahit kanino, ni sa kanila; huwag ninyong sasabihing sumulat ako riyan, sapagka't magagalit sila sa akin.
Mga alaala sa aking mga kapatid; huwag ninyo lamang sasabihin sa kanila na ako'y sumulat diyan. Padalhan ninyo ako ng damit.
- PAALAM.
[G. JOSE RIZAL]
MINAMAHAL KONG KAPATID:
Alamin mo lamang kung may katotohanan ang sinasabi sa sulat na ito, at sakaling totoo nga, gaya ng inaakala ko, ay gawin mo na ang nararapat, at dahilanin mong mayroong maysakit dito, na siyang sanhi ng inyong pag-uwi nang ilang araw. Kalabisan nang itagubilin ko sa iyo ang paggamit ng katalinuhan.
- Ang iyong kapatid,
- PACIANO [RIZAL]
- Ang iyong kapatid,
Habol: Ang sobre ay hindi mabasa.
Kung ang mga gawain mo'y hindi magpahintulot na harapin ito sa loob ng ilang araw, ay isulat mo agad sa amin.
- PAALAM