Pumunta sa nilalaman

Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896/1

Mula Wikisource
Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (1962)
edited by Pambansang Komisyon ng Ikasandaang Taon ni José Rizal
Buhat kay Rizal para kay Impong Ilyang by José Rizal
1927Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 — Buhat kay Rizal para kay Impong Ilyang1962José Rizal
MediaWiki:Proofreadpage pagenum template
1 Buhat kay Rizal para kay Impong Ilyang




Kalamba,
Ika-26 ng Marso, 1876
 

Minamahal kong Impong Ilyang:[1]

Pagkatapos ng isang paglalakbay[2] na nakapagsisikip ng loob ay dumating kami sa Kalamba nang ika-11 ng gabi. Upang inyong malaman kung gaano kasama ang paglalakbay ko, ay hindi kami nakaalis sa Napindan[3] hanggang ika-6 ng hapon.

Tanggapin ninyo kay Jose[4] ang dalawang basta ng kakaw na katimbang ng 25 salop, alalaong baga'y isang kaban.[5] Sakaling ipakita sa inyo ang muwestra ng mga larawan[6]ay kayo na ang pumili yamang marunong naman kayong magtangi ng masama sa mabuti, at sakaling kayo'y nag-aalinlangan ay maaaring ipadala ninyo sa akin. Ipinakikiusap ng kapatid kong si Saturnina[7] na ipadala ninyo sa kanya ang "cotejo"[8] ng mga nanalong tiket sa loteriya ng buwan ng Disyembre ng taong 76.

Rizal

MediaWiki:Proofreadpage pagenum template Wala ng iba pa, kumusta sa inyo at sa mga minamahal kong tiya[9] at mag-utos kayo sa inyong maibigin at magiliwing apo na nagmamahal sa inyo.

  1. Ang tinatawag niyang Impo o Lola Ilyang ay si Donya Basilia Bauzon de Leyva, ina ni Concepcion Leyva.
  2. Tinutukoy ang paglalakbay niya sa isang munting bapor sa Ilog Pasig hanggang sa Kalamba.
  3. Napindan ang tawag sa bunganga ng Ilog Pasig na papalabas sa Laguna de Bay. Sa loob ng panahong kati ang tubig, ang mga bapor na nagyayao't dito sa Laguna ay madalas na sumasayad at nababara sa iba't ibang dakong mababaw ng ilog, kaya't ang nangyayari'y hindi makaalis-alis sa pagkakabara at madalas na ipinaghihintay na lamang ng paglaki ng tubig. Ang gayo'y nangyayari sa kapabayaang ipahukay ang mabababaw na bahagi ng ilog.
  4. Si Jose ay isang batang utusan na siyang nagdadala at tumatanggap ng mga ipinagbibilin.
  5. Ang tinatawag na kaban ay siyang karaniwang sukat sa pagtakal ng palay o bigas o anumang butil. Ito'y katimbang ng dalawampu't limang salop, at ang isang salop naman ay katumbas ng walong gatang.
  6. Ang mga parisan ng mga larawang kinuha sa isang kapatid ni Rizal.
  7. Si Saturnina ay siyang kapatid na matanda ni Rizal, at asawa ni G. Manuel Timoteo Hidalgo.
  8. Ang tinatawag na cotejo ay isang talaang opisyal ng mga bilang na nagwagi sa buwanang "loteria" na idinaraos sa Maynila.
  9. Ang ale o tiyang tinutukoy ay sina Gng. Vicenta at Concepcion, na kapwa anak ni Donya Basilia.