MediaWiki:Proofreadpage pagenum template
Mga Lathalaín
ng
PAMBANSANG KOMISYON NG IKASANDAANG TAON
NI JOSÉ RIZAL
Ikalawang Tomo
Una at Ikalawang Aklat
PAKIKIPAGSULATAN NI RIZAL
SA
KANYANG MGA KASAMBAHAY
1876-1896
PANANDAANG TAONG PALIMBAG
MAYNILA
PAMBANSANG KOMISYON NG IKASANDAANG TAON NI JOSE RIZAL
1962
MediaWiki:Proofreadpage pagenum templateREPUBLIKA NG PILIPINAS
TANGGAPAN NG PANGULO
PAMBANSANG KOMISYON NG IKASANDAANG TAON
NI JOSE RIZAL
MGA PINUNO AT MGA KAGAWAD
DIOSDADO MACAPAGAL
Pangulo
Repúblika ng Pilipinas
TAGAPANGULO
ALEJANDRO R. ROCES
Kalihim ng Pagtuturo
MGA PANGALAWANG TAGAPANGULO
RODRIGO D. PEREZ, JR.
Pansamantalang Kalihim ng
Pananalapi
SANTIAGO F. DE LA CRUZ
Kataas-taasang Puno ng mga
Maginoo ni Rizal
MGA KAGAWAD
MARIA KALAW KATIGBAK
Tagapangulo, Lupon sa Pagtuturo
Senado ng Pilipinas
SALIH UTUTALUM
Tagapangulo, Lupon ng Pagtuturo
Kapulungan ng mga Kinatawan
VICENTE G. SINCO
Pangulo, Pamantasan ng Pilipinas
GERONIMA T. PECSON
Tagapangulo, Pambansang Komisyon
ng UNESCO
CARLOS QUIRINO
Pansamantalang Patnugot ng
Kawanihan ng mga Aklatang
Bayan
BENIGNO ALDANA
Patnugot, Kawanihan ng Paaralang
Bayan
JESUS E. PERPIÑAN
Patnugot, Kawanihan ng mga
Paaralang Sarili
LUIS MONTILLA
Tagapangulo, Lupong Pangkasaysay-
yan ng Pilipinas
EUFRONIO M. ALIP
Pangulo, Pambansang Samahang
Pangkasaysayan ng Pilipinas
JOSE P. BANTUG
Kasangguning Pangkalinangan sa
Sugo ng Repúblika ng Pilipinas
sa España (1953-1955)
LEONCIO LOPEZ RIZAL
Kasangguning Tagapagtatag ng
Pambansang Sanggunian ng
Pagsusuring Pang-agham
VICENTE OROSA
Naging Kalihim ng mga Pagawaing
Bayan at mga Pahatiran
EDUARDO QUISUMBING
Naging Patnugot, Pambansang Museo
LUIS MONTILLA
Patnugot na Tagapagpaganáp
VEDASTO G. SUAREZ
Pangalawang Patnugot at Kalihim
LUPONG TAGAPAGLATHALA
LEONCIO LOPEZ RIZAL, Kagawad
LUIS MONTILLA, Kagawad
JOSE P. BANTUG, Kagawad
VICENTE DEL CARMEN, Kalihim
MediaWiki:Proofreadpage pagenum templatePAUNANG SALITA
(Pakikipagsulatan sa kanyang mga kasambahay)
Sa pamamagitan ng Tomong ito ay inihahandog ng Pambansang Komisyon ng Ikasandaang Taon ni Jose Rizal, ang Ikalawang Tomo, Unang Aklat, ng sunud-sunod na lathalaíng iniuukol sa mga mambabasa, bilang katuparan sa isa sa mga
iniaatas ng Kautusang Tagapagpaganap na lumikha ng Komisyong
ito. Ang Tomong ito'y binubuo ng apat na aklat na pawang
naglalaman ng pakikipagsulatán ni Jose Rizal. Bagaman ang karamihan sa mga sulat na ito'y nalathala na sa maraming tomong ipinalimbag ng Aklatang Pambansa at ng Pambansang
Kapisanang Pangkasaysayan sa Pilipinas, gayon ma'y muli naming inilalathala, at inilalakip ang di kakaunting sulat na hindi
pa kilalá, na sa pagmamalasakit ng pangkat ng mga tagasaliksik
ng Komisyon ay natausán sa iba't ibang dako. Sinabi naming
utang sa pagmamalasakit ng nasabing pangkat, sapagka't bahabahagya lamang na natausan sa Pilipinas ang ilan sa mga sulat
na ito, palibhasa'y nang panahong nakaraan, ang pag-iingat ng
isang sulat ni Rizal ay maaring maging dahil ng pagkakabilanggo o pagkakapatapon, kung di man ng parusang lalong mabigat
pa kaysa rito.
Palibhasa'y lubos na natatalos ng Komisyon ang kanyang
tungkulin sa pamahalaan at sa bayan ay minarapat na gawin
ang tomong ito sa isang ayos na may kaunting kaibhan sa ibang
lathalaín, alang-alang sa hangad na makatupád, hindi lamang sa
maliwanag at tiyak na utos na gumawa ng isang bagong palimbag ng Epistolario, kundi lalung-lalo na sa nais na mabigyang kasiyahan at matupad ang iniatas at ang diwa ng batas, na dili iba't
ang mapagkilala ng bayan si Rizal sa buong katauhan niya.
Lagi nang sinasabi na ang mga sulat ng isang tao'y siyang salamín at banaag ng isang bahagi ng kanyang katauhan, kaya't alangalang dito'y tinipon namin at pinag-uri-uri ang mga sulat, na anupa't pinagsama-sama sa magkakahiwalay na pangkat sa iba't ibang bahagi ng Tomong ito at pinagsunud-sunod sang-ayon MediaWiki:Proofreadpage pagenum templatesa petsang tinataglay. Inaasahan naming sa mga sulat na ito'y
makikita ng bumabasa, na ang pagbabagong-loob, ang kanyang
kaugalian, ang kanyang damdamin, sa biglang turing ay ang
iba't ibang anyo ng kanyang kaasalan; sapagka't samantalang
sa mga sulat niya sa kanyang mga kaanak ay namamalas nating nabubuksan ang kanyang kaluluwa at nasisinag ang bu
ong pagtatapat at pagpapahayag ng tunay na niloloob, sa mga
sulat naman sa kanyang mga kasama sa pagpapalaganap ay
namamalas natin ang diwa ng kanyang pagpapakasakit, ang
kanyang mga pagtitiis at ang kanyang mga guniguni alang-alang
sa kanyang mga mithiin at mga layunin. Sa mga sulat namang
ipinadadala sa kanya ay mababanaagan ang pagtingin, ang paggalang at paghangang iniuukol sa kanya.
Sa loob ng panahong ipinaglakbay nina Rizal at Dr. Maximo Viola sa iba't ibang lunsod ng Alemanya at Suwisa, ay napansin nitong hulí sa mga dalá-dalahan ni Rizal ang isang munting maleta na walang ibang laman kundi isang bungkos ng mga sulat galing sa kanyang mga kaibigan. Dahil sa pagtataka ni sa pag-iingat na ginagawa sa mga sulat na iyon sa hinaba-haba ng paglalakbay ni Rizal na pinagkakagugulan at nagiging pasanin pa niya, ay itinanong ni Viola ang dahilan noon. Sinagot siya ni Rizal na, sa pamamagitan ng mga sulat ay mapagkikilala niya, hindi lamang ang kaugalian ng mga tao, kundi lalung-lalo na ang pagbabago ng mga kaugaliang ito sa iba't ibang panahon ng kanilang buhay. Ang pag-asang ang paghahayag ng mga sulat na ito sa papaano mang paraa'y makapagpapadali sa isang babasa at makatutulong sa kanya sa pag-aaral ng kaugalian ni Rizal at ng pagbabagu-bago nito sa iba't ibang panahon ng kanyang buhay sakaling nagkaroon man - ay isa sa mga dahilan kung bakit ginawa namin ang paglalathala ng mga sulat na ito, sang-ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga petsa.