Napatunayan na ang pahinang ito
—78 —
Caya capatid co houag naman sila
magtaglay nang galit na sa binabasa
ang nasabing buhay ang hingi co sana
sa inyo cun mali ipatauad nila.
Sapagca,t, ang binhi na magandang hasie
bubot man ang bunga maningning sa titig
nguni,t, ang masama na palalong isip
sa mundo ay uala palang masasapit.
Ang lahat nang yaon caya nauica co
dahilan sa buhay nitong Sigesmudo
ang capamanhicang tulang hindi husto
ang hingi co,i, tauad sa ganang sa inyo.
Sucat hangang dito aquing itatahan
lungoy co sa inyong pauang manga mahal
na ipagpatauad salitang nagculang
na sa lingcod nilang cay Eulogio Julian.
FIN