Iquinasal yaong anac na Laveña
cay Tang-Credong hayag bantog sa Armeña
ang toua,i, di hamac ay ualang capara
nitong nagcapalad nagcaisang sinta.
At saca sinunod iquinasal naman
iyong si Cloriana princesa nang bayan
sa cay Pelodelpio na Príncipeng mahal
ang toua nang lahat di sucat maturan.
Caya nga,t, sa gayon humiyao pagdaca
ang tanang naroon at nagsipag viva
mabuhay ang Haring Sigesmundong sadya
sa habang panahon at sampo nang Reina.
At gayon din naman princesang capatid
at saca ang anac Laveñang mabait
ang buhay sa mundo naua ay lumauig
sampo ni Tang-Credo at ni Adonais.
Caya nga,t, sa toua nang dumalang-dalang
na sa habang arao na may napaalam
itong Pelodelpio ni Clorianang mahal
na sa Macedonia,i, umui pagcouan.
Doon naguing Hari sinunod nang lahat
sa manga vasallos siya,i, ang nag-atas
maraming guerrero ang nangag si pangilag
dahil sa caniyang catapanĝa,t, lacas.
Si Tang-Credo naman saca ni Laveña
doon sa Armeña nagsioui sila
siyang nag Hari na naguing Monarca
namana sa ama ang Cetro,t, Corona.
Ay ualang catulad ang pagpapasunod.
nang tatlong nag Hari na sa nasasacop
caya nga,t, sa gayon ay uala na halos
na mauiuica pa sa magandang loob.