Pumunta sa nilalaman

Pahina:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/78

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


— 75 —

Lumacad na sila dinating din naman
ang Albaniang lupa bunying Caharian
nanhic sa Palacio at tinangap naman
ng mahal na Reinang Armindang marangal.

At siyang pagdating nang Haring Eleno
at nang anac niyang na si Sigesmundo
saca si Cloriana Princesa nang Reino
maraming casama na manga gerrero.

aca si Tang-Credo na taga Armeña
dumating din doon at siya,i, sumama
pagca,t, si Laveña nabalita niya
na ang nagcupcop ang mahal na Reina.

Nagquita-quita rin itong mapapalad
na sa habang arao nagca-uatac-uatac
caya,t, sa Palacio nang Albaniang Ciudad
ang lahat nang bagay ay napagtalastas.

Naquilalang lahat sampo ni Laveña
na anac na tunay nang bunying Duquesa
sa cay Sigesmundo ito,i, naguing bunga
pagca,t, si Eduardo nagsabing lahat na.

Niyong bagay-bagay nagdaang panahon
yaong si Laveña nang bata pang sangol
na dinala niya na siyang nag-ampon
doon sa Aldea ni Camilong pastor.

At nang matalastas ito,i, naguing bunga
na tunay na anac nang bunying Duquesa
galit ni Peleno ay ualang capara
ang nasabing bata sa aqui,i, pinacuha.

Na papatain niya dahilan sa galit
sa cay Sigesmundong caniyang capatid
sumunod na aco at aquing inisip
na minatapat co ang lalong matouid.