Pumunta sa nilalaman

Pahina:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/76

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


— 73 —

Marinig ang gayon ipinatauag na
ang bunying general at si Policena
saca ang sagalang hayag na Laveña
sa calac-hang grandes humarap pagdaca.

Nang naroroon na humalic nang camay
itong manga anac nilang nangaualay
ang saya nang lahat hindi magcamayao
sa nangyaring yaon parang nagtagumpay.

Ngunit, ang dalauang Príncipeng mariquit
bunying si Tang-Credo at si Adonais
ay napa sa isang campo at ang nais
mag-aauay sila nagbunot nang caliz.

Ang cadahilana,i, doon sa Princesa
nais ni Tang-Credo,i, sa catoto niya
ang maguing asaua ayao tumalima.
na cun caya parang sila,i, magbabaca.

Nang na-aacma na yaong paglalaban
sa cay Sigesmundo sila,i, natanauan
pagdaca,i, nanaog biglang dinaluhan
saca sinangsala ang magpapatayan.

Napayapa naman loob nang dalaua
sa isinansala sinunod pagdaca
sa cay Sigesmundo natantong lahat na
salitang nangyari sabihin ang saya.

At dinala sila sa mahal na harap
nang dalauang Hari doo,i, nag-uusap
na nasa Palacio madla ang caharap
ang lahat nang bagay ipinatalastas.

Catouirang lahat sumbong ni Tang-Credo
ay lalong matouid ang cay Pelodelpio
lalo,t, nang maquita ang na sa Sombrero
sa caniya,i, nang-galing na ganti at premio.