Pumunta sa nilalaman

Pahina:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/71

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


— 68 —

Nang masabing gayon naboùal pagdaca
ang duque Estorpo sampo nang Monarca
at nangaghimatay saca iyong hininga
sandaling pumanao isip ala-ala.

Maquita ang gayon nitong Sigesmundo
biglang nilapitan itong nanglulumo
manga piling mahal na ang buhay ninyo
baui ang paghinga nang houag mabuyo.

Sa pagcapahamac na di cautusan
sa atin nang Dios na manga binyagan
dito sa dalaua ay nang mapaquingan
nuling nanumbalic ang hiningang tangan.

At saca nangusap mabunying guerrero
saan ca nangaling nagbuhat na Reino
ani Sigesmundo tauo,t, tubo aco
labas nitong bayan sacop nang Armeño.

Houag mangalumbay at aquing quilala
iyong Sigesmundo at si Policena
na manga buhay pa cun ibig po niya
sumunod sa aquin sa Reino,i, sumama.

Yayang payapa na ang sinadya ninyo
guinayac na guerra na dinala rito
na cun mangyayari sa hinihiling co
tayo,i, magsasama pumasoc sa Reino.

Naglacad na sila na nagpatuluyan
dinating ang nasa nilang pinaglacbay
sinalubong sila nang Haring marangal
at manga Consejos at maraming caual.

Tiguilan co yaon aquing ipatungo
sa tacsil na Conde bunying si Elgastro
nacaligtas siya sa tinacbo-tacbo
yaong Caharian ang siyang tinungo.