Estorpong catoto aco at aco rin
ang may casalanan na dapat sisihin
at itong naglilo na anac cong tacsil
na ang cabagayan galing din sa aquin.
Diua,i, ito,i, hulog sa aquin nang langit
na sa guinaua co na hindi matouid
nang mapagtanto mo icao ay maquinyig
sasabihin co na at ipagsusulit.
Na si Sigesmundo na guilio co,t, sinta
siya nga ang tunay anac co sa Reina
saca si Peleno bunga co sa dama
para matanto mo at mapagquilala.
Talastas mong lahat ó Duque Estorpo
manga pagpapala nitong Sigesmundo
hindi nalilihim at hayag sa Reino
sa alin mang guerrang manga pananalo.
Ito nga ang tunay anac co sa Reina
ngayon ay siya cong ina-ala-ala
langit na mataas anong laquing dusa
gauad mo sa aquin na pinababata.
Ay Estorpo,i, aco ang dapat sisihin
na sa guinaua co na hindi magaling
iyong minamahal siyang naguing tacsil
na nagmunucalang buhay co,i, maquitil.
Tugon nang causap icao ang may sala
na sa aquing anac na si Policena
mataas na langit anong laquing dusa
nitong biyaya mo na itinatalaga.
Sinparis na tayo sa palad na taglay
anac co, anac mo na sa pagca ualay
sumunod sa lahat at hindi sumuay
na di matatanto cun buháy ó patáy.