- Matibay na cuta na naguing tipanan
na di mababaclas nang sino,t, alin man
siyang naguing lason na pinangalingan
sanhi cay Peleno na pinagdusahan.
- Na sa toui-touinang siya,i, magdudulot
nang manga pag-ibig-sa duquesang bantog
Principe aniya ang isinasagot
cun sa ganang aquin houag nang mapagod.
- Sapagca,t, ang iyong dulot na pag-big
huli na,t, uala nang tatamubing langit
tugon ni Peleno icao ay mag-isip
dini sa lagay co na cahapis-hapis
- Ang talastasin mo aco ang Principe
erederong tunay Haring hahalili
ang buhay mong ingat hindi mo sarili
sa aquin ay ualang macapangyayari.
- Houag magcagayon tugon nang duquesa
mahal na Principe mag-isip ca muna
na cun Hari ca ma,i, may Hari pang iba
lalalo sa iyo na magpaparusa.
- Principe ay nalis nang ito.i, maringig
di na napaalam dahilan sa galit
nagtuluyan siyang sa Palacio,i, nanhic
sinabi sa ama ang napagsapit.
- At nang matalastas ang lahat nang bagay
nangyari sa anae ang ama,i, nagsaysay
bunso co Peleno houag malulumbay
aeo ang bahala sa lahat nang bagay.
- Cami mag-uusap nang caniyang ama
na pipiiitin cong cayo,i, mag-asaua
sa lahat nang bagay cun papayag sila
sa iyo isasalin ang Cetro,t, Corona.