Nacarating dito at dinatnan mo pa
buhay co,i, munti nang napalamara
dahil sa sucaban na nagbigay dusa
na nilapastangan ang aquing Corona.
Caya nga,t, sa gayon aco,i, nag-adhica
naglaan nang guerra at dito,i, nag-sadya
dahil sa nangyari sa isang cuhila
at itong galit coi, di mapapayapa.
Ani Sigesmundo Monarca,i, paquingan
ang utos nang langit sa tanang binyagan
ang nasa sa hirap mangyaring damayan
pauiin sa isip na cun may galit man.
Na cun caya gayon ang sinasalita co
isang pamamanhic Hari sa dangal mo
guerra,i, payapain di utos ni Cristo
na magcamatayan ang capoua cristiano.
Banda mo,i, hindi co parang tinatangap
ganti mo sa aquin dahil sa naligtas
maguing catimbang na sa buhay mong ingat
guerra,i, payapain na cung mararapat.
Oo anang Hari di ca mahihiya
sa naguing daing mo susundin cong paua
Estorpong catoto hayo na,t, magbigla
na iyong parunan ang lilo,t, cuhila.
Nang mapagquilala at matalastas natin
ang nagmunacala nitong pagtatacsil
pinarunan nanga nang. Duqueng butihin
ang nasabing patay naquilalang tambing.
Saca nanumbalic siya,i, nagpahayag
dito sa nag-utos na Haring marilag
di iba,t, ang iyo na tunay na anac
na si Peleno po iyong napahamac.