Hindi mangyayari ang hinihingi mo
uica nang dalaua sucaban at lilo
na cun Hari ca man masamang Gobierno
hindi masusunod ang lahat mong gusto.
Caya mag-ingat ca sa buhay mong angquin
at macaligtas ca sa aming patalim
Hari nagpaguibic at nuling nagturing
aco,i, isang punong dapat quilalanin.
Itong nangungubli ay siyang paglabas
na may punong cahoy hinauacang caguiat
na binunot niya siyang inihampas
dito sa dalauang tampalasa,t, sucab.
Napatay ang isa nguni,t, nacatacbo
iyong tampalasan na lilong Elgastro
at itong nalagac tacsil na Peleno
na napanganyaya sa gauang di toto.
Nang uala na siyang sucat macalaban
siya,i, huminto na dahilan sa pagal
umupo sa siping nang Haring marangal
siya.i, nag-aantay nang casasapitan.
Maquita ang gayon nang bunying Monarca
pagdaca i, nangusap dito sa nag-adya
bunying Peregrino anong dapat baga
iganti sa iyong catapanga,t, sigla.
Ani Sigesmundo sagot na tinuran
sa aquin po,i. ualang bagay na anoman
hindi anang Hari at icao ang siyang
na sa buhay namin nacapagtangcacal.
Banda,i, abutin mo ngayon at tangapin
ganti co sa iyong loob na magaling
sa Reinong Albania doon paghanapin
si Elenong Hari ang tauag sa aquin.
- SIGESMUNDO.5