Yao na,t, lumacad sabihin ang saya
at si Sigesmundo siya ang nangunguna
pagca,t, ang calaban di pa naquiquita
dinatnan nang gabi nangag Real sila.
Ang manga soldado palibhasa,i, pagod
sa guinauang salon biglang nacatulog
sa cay Sigesmundo ang naisip sa loob
damit peregrino pagdaca,i, nagsuot.
Sila,i, naglacad na at naglibang-libang
parang tinatanao ang macacalaban
at nang malayo na yaong nilacaran
huminto na siya at nagtanao-tanao.
Nageataon namang ang Haring Eleno
at saca ang Duque hayag na Estorpo
iniuan ang caual at manga soldado
parang naglilibang bundoc ang tinungo.
Sa manga paglacad parang nagtipanan
sa cay Sigesmundo sila,i, natanauan
nang di magcasumpong ang guinauang lalang
siya,i, humanap nang macucublihan.
Nang naroroon na ang Haring marilag
at saça ang Duque na umaalagad
siya nang pagdating nang dalauang sucab
may manga mascara sa muc-ha,i, sangcap.
Dili iba,t, yaong tacsil na Peleno
at saca ang Conde sucab na Algastro
na nagpanucala nang dili toto
tangcang papatain ang Haring Eleno.
Sinagasa nila na di nagpitagan
tagang ualang mulat yaong ibinigay
houag magcagayon manga tampalasan
aco,i, isang Haring dapat na igalang.