Pumunta sa nilalaman

Pahina:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/64

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


—61—

Balang ibiguin mo,i, susundin cong pilit
at aalinsunod sa nasa mo,t, ibig
tugon nang causap ó tanglao nang langit
gayari dinguin po at ipagsusulit.

Mangyaring sumunod na sa hihilingin
sa iyo sa Reino co sumama sa aquin
aco ang bahala cun tayo,i, dumating
gumanti sa iyo loob na magaling.

Ani Sigesmundo cun gayo,i, abata
Policenang guilio at icao Laveña
tayo,i, sumama sa hiling at pita
sa bunying Príncipe na umaanyaya.

Sila,i, lumacad na na nagsunod-sunod
dito cay Tang-Credo na Príncipeng bantog
sa paglulumanay di nagdamdam pagod
ang Reino,i, dinating at sila,i, pumasoc.

Nang naroroon na sa Palacio,i, nanhic
itong si Tang-Credo sa ama,i, lumapit
at sinabi niya ang manga inaquit
na si Sigesmundong balita nang bait.

Saca ang dalauang sagana sa dilag
niyong cagandahang ualang macatulad
Monarca sa gayon sinalubong agad
nang ugaling ucol na naguiguing dapat.

Tang Credong anac co ano cayang dahil
at nacasama mo ang manga bituin
sa bundoc po buhat na sacop din natin
lunas sa may dusa at macagagaling.

Cun gayon ang uica nang bunying Monarca
manga piling mahal ang aquing anyaya
dito sa Palacio cayo,i, manga tira
sa isang capatid doon ipapara.