Pumunta sa nilalaman

Pahina:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/63

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


— 60 —

Touing maquiquita at aquing mamalas
loob co ay para manding guinagañac
toua co sa gayon cun nacacaharap
mahal sa puso co mahiguit sa anac.

Ano cayang dahil ani Sigesmundo
di pa omoui itong batang ito
tugon nang Duquesa yao,i, sa banta co
naglilibang siya sa parang at damo.

Na sa pag-uusap naman ay may voces
na nagsaysay ang uica cayo,i, maquinig
salubungin nila at dito,i. lalapit
ang bunying Príncipeng Tang-Credong mabait.

Siya,i, ang may ari nitong cabunducan
at ang cueva ninyong quinatirahan
ang balang hihingin na cahit anoman
ay alinsunurin at cayo,i, gumalang.

Matapos ang gayon voces nauala na
at siyang pagdating naman ni Laveña
humalic nang camay sa pinsrang Iná
at cay Sigesmundo loob na maganda.

At saca sumunod ang bunying Príncipe
balitang Tang-Credo at saca nagsabi
quilabot nang bundee ama rang brillante
na sinusucuan nang balitang Marte.

Lingapin nang mata at aco,i, titigan
nagmamacaaua sa puri mo,t, dangal
caya naparito na mangyari lamang
yaring ninanasa iyong paonrahan.

Marinig ang gayon sinalubong agad
nitong Sigesmundo pagdaca,i, nangusap
catoto,i, halica magsabi nang tapat
cun ano ang iyong manga hinahangad.