Itong si Juanete sa pagtutumulin
niyong paglalacad siya,i, nacarating
na sa panginoon Tang-Credong butihin
sulat ay binasa niya,t, napaglining.
Ang lahat nang bagay at sampo nang guerra
na sa paglalacad natalastas niya
ang lumbay sa loob sabihin pa baga
naunaua naman nitong si Laveña.
Tang-Credo houag cang magdalang laguim
niyang catacutan sa puso,i, ualin
na sa panucala nang Haring butihin
aco ang bahala nang aquing gagauin.
Sapagca,t, sa aquin namang pagcucupcop
na pinaca ama narito sa bundoc
balang macausap tauo man ó hayop
iyong cagalitan ay pinauuntos.
Caya halica na cata,i, sasamahan
mamanhic sa aquing pinarang magulang
na ang caculangan aco na ang siyang
bahalang magpuno cata,i, tutulungan.
Tang-Credo sa gayon ay lumacad pagdaca
sinunod ang hiling nitong si Laveña
na nagpatuluyan at pinunta nila
ang cay Sigesmundo na tahanang Cueva.
Lisanin co yaong manga paglalacad
itong nageaisa sa puhunang hirap
at si Policena siyang ipahayag
saca ang Esposo caloobang tapat.
Sintang iniibig ano ang tingin mo
doon cay Laveña sa pagmamahal co
tugon nang Duquesa sintang Sigesmundo
cun baquit ang aquing puso,i, lumulucso.