Pumunta sa nilalaman

Pahina:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/61

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


— 58 —

Nasa sa bundoc po nang Armeniang Ciudad
doon co iniuan nguni at may sulat
padala sa iyo nang mapagtalastas
abutin Hari co basahin mong agad.

Tinangap nang Hari natalastas niya
ang lahat nang bagay sulat nang mabasa
umalis sa salas saca nag Corona
sa luclucang Trono umupo pagdaca.

At saca nangusap Tang-Credong malupit
magpacatatag ca lilo at balauis
pagbabayaran mo na hindi lilihis
itong guinaua mo sa aqui,i, paglait

Reina ay nangusap sampo nang Princesa
nasa cagalitan nang bunying Monarca
sayang nang Cetro mo sampo nang Corona
mapapanganyaya na sa palamara.

Nang di naman tayo lubos mauicaan
nang manga babaying sacop nitong bayan
ay houag na siya na antabayanan
sa nangyari ninyong manga salitaan.

Caya,t, ang princesa sa galit na dala
nuha nang tintero sumulat pagdaca
saca nang matapos ibinigay niya
dito cay Juanete at pinalacad na.

At saca ang Hari pagdaca i, tinipon
lahat nang soldados piling manga campon
at saca lumacad nang arao ring yaon.
ang guerra,i, nilabas na hindi naghantong.

Ang capangyarihan inilagac niya
doon cay Peleno sa esposang Reina
sa galit na tangan siya,i, nangunguna
na punong sinunod general nang guerra.