Pumunta sa nilalaman

Pahina:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/57

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


— 54 —

Tugon ni Tang-Credo sagalang marangal
ang pagdadalit po,i, hindi iinam
pagca,t, ang sa Poetang manga carunungan
ay hahaluan din nang manga palasintahan.

Caya sa lungoy co bitbit na pagsuyo
magtigatig naua ang bacal mong puso
iyong pagmalasin na halos ang dugo
nang aquing pag-ibig pilit na tutulo.

Tugon ni Laveña maguinoo,i, sucat
na ang pagdaing mo manga pangungusap
na cun mangyayari magsabi nang tapat
nang iyong pangalan at ipatalastas.

Naguing casagutan naman ni Tang-Credo
aco po,i, isang hamac na villano
para matanto mo ang pangalan co
ang tauag sa aquin yaong si Crisauro.

Tang-Credo,t, Crisauro uica ni Laveña
naguing pangalan mo pala,i, dalaua
manga dayang lahat tugon nang may dusa
sa pagayong bagay houag cang magtaca.

Pagca,t, ualang iba ó saganang dilag
na dito poon co ang iyong causap
anoman ang iyong ibig na itauag
sa aquin ay aco sasagot ding agad.

Caya ang uica co bunying taga lanğit
sa dilag mo aco hindi magcacait
aco ang Príncipeng nangahas lumapit
nang una sa iyo iniuan mong* tiquis.

Ang dangal co,t, taas niualang halaga
na iyong dinaya at pinaglalangan pa
at ang naguing suyac sa bibig mo,i, nuca
dahilan sa aco,i, hindi mo capara.