Pinahintulutan nitong Haring mahal
saca si Tang-Credo nama,i, napaalam
at caya lumacad nang quinabucasan
na nagpatuluyan sampo nang caual.
Na sa paglalacad ay hindi nainip
itong si Tang-Credo pagdaca,i, sinapit
bundoc nang Armenia may naquitang batis
na may ninfa namang sagana nang diquit.
Na namasdan niya na doo,i, napansin
sa nasabing tubig at nananalamin
anyong lalapitan at cacausapin
si Laveña namai, nagtacbong matulin.
Pagdaca,i, inusig na hindi humantong
nitong si Tang-Credo at hinabol-habol
si Laveña naman ano,i, sa masucol
tumiguil na siyat, nag-uica nang gayon.
Mahal na Príncipe ano ang dahilan
at aco,i, iyong sinusundan-sundan
hanga nang canina anitong cararal
na icao sa aquin na ualang hinayang.
Ang magcait ca man sa sariling loob
di mo man lingapin itong umiirog
di ca hihintuan cahima,t, mapagod
na susundan ca rin saan man maglagos.
Na ilulungoy co ang aquing pag-ibig
sa iyo bathala nang manga arco-iris
cahit icamatay at biguian nang saquit
tugon ni Laveña icao ay mag-isip.
Husay ang loob mo at mag-ala-ala
cun mapalamara ang dangal mong dala
iyong pag-isipin at biguiang halaga
pinangalingan mo ay isang Monarca.
- SIGESMUNDO.4