Abdelices at icao tacsil na Brabonel
icao Majometo tampalasa,t, souail
hayo na manaog nang hindi higupin
niyong Elemento sa galit cong angquin.
Marinig ang gayon nanaog nang agad
iyong manga tacsil at nag-usap-usap
na ating patain uala namang sucat
dito.i, magtatangol na macapagliligtas.
Na cun mamatay na ang lilo at pusong
icao Majometo tayo,i, magca-ayon
na ihahalal ca naming Emperador
nangag si payag na iyong manġa pusong.
Caya,t, nang lumalim gabi,i, matahimic
inacala nanga nang manga balauis.
nagcasama sila sa Palacio,i, nanhie
sa tinutulugan doo,i, nagsilapit.
At saca pinatay iyong Emperador
na hindi nangimi itong manga pusong
na si Majometo ang siyang pinopoon
nang lahat nang Turco magmula na niyon.
Di nalibang arao ang manga balauis
na sa casayahan na natatahimic
na siyang pagdating nitong Adonais
at si Belesario na catotong ibig.
Ang nagpanucala niyong cagagauan
niyong bagay-bagay na manga paraan
sinagasang lahat na di nagpitagan
nitong manga Marte na bagong sumilang.
Pinatay ang tacsil na si Majometo
saca si Brabonel at ibang Consejo
pagbabacang iyon at si Belesario
napanganyaya rin sa manga lilo.