Pumunta sa nilalaman

Pahina:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/47

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


— 44 —

Na natatalaga icao cay Tang-Credo
ipinageayari icao nang ama mo
Cloriana i, patauad at sapagca.t, aco
bucas nang umaga uui sa Turco.

Mabuti nga iyong cay Cloriana,i, turing
na umui cana at aco,i, lisanin
doon sa bayan mo cun icao ay dumating
marami ang madlang mahiguit sa aquin.

Magpapasasa ca cun gaya sa rosas
na maiibig mo na hindi cucupas
na sa habang arao tugon nang causap
ang iyong sinabi Cloriana,i, sucat.

Ang dulangin co man na isaisahin
ang boong ligaya pagpisan-pisanin
ualang may halaga sa sariling aquin
Cloriana cundi icao na cun ualang dahil.

Natatalastas co ang iyong pag-ibig
dini sa lagay co ualang halong dungis
nguni,t, si Tang-Credo iyong nababatid
na caming dalaua parang magcapatid.

At ang icalaua isang utos Hari
at icao ang unang ipinagcayari
pag-ibig sa aquin cundi ipapaui
marami sa Reinong magdadalamhati.

Caya ó princesa iyong pag-isipin
sa manga pag-ibig at manga pagtingin
manga pagmamahal sa sariling aquin
doon cay Tang-Credo bigla mong isalin.

Marapat na tunay limutin sa loob
ang iyong pag-ibig at manga pag-irog
doon cay Tang-Credo minsan mong ibuhos
hindi mangyayari sa princesang sagot.