Caya nga,t, sa gayon maganap ang atas
yaong manga mahal nama,i, nag si aquiat
doon sa Palacio,i, nagcapisang lahat
at saca ang Hari nama,i, nagpahayag.
Manga piling mahal ngayon ang ibig co
na ipatalastas sa tanang narito
pangaco cong tunay naman cay Tang-Credo
sa bunying princesa siyang magtatamo.
Ang pagcatotoo nang inyong matatap
aco,i, gagaua nang pinacasulat
ngayon din pinirmahan sa harap nang lahat
itong si Tang-Credo pagdaca,i, nangusap.
Sumusunod aco Monarcang mabait
at aco,i, pifirma sa nasa mo,t, ibig
na capag natapos ay aco,i, aalis
sa panahong taning saca magbabalic.
Nagcaisa sila sa pinag-usapan
nayari ang sulat saca pinirmahan
ang mahal na Hari sa pag-ayon naman
ay nuling nangusap sa nagcacapisan.
At icao balita Príncipeng mariquít
na arao sa Turquia bunying Adonais
humiling ca naman sa nasa mo,t, ibig
sa iyo ay hindi co maipagcacait.
Cun tungcol sa aquin na nasasacupan
balang ibiguin mo di co masusuay
tugon nang causap 6 Elenong mahal
salamat sa iyo loob na pautang.
Na cung mangyayari sa hihilingin co
bago aco malis sa mahal mong Reino
na pagcalooban mo bantog na Eleno
na maisama co Duque Belesario.