Na di mababagay ang iyong pagliyag
at ang pag-ibig mo,i, hindi mararapat
cayat, piguilin na houag cang mangahas
ani Adonais Cloriana ay sucat.
Ang talastasin mo cun aco may moro
naguing capintasan umibig sa iyo
nanunumpa naman itong pagcatauo
sa cristiano.i, buhat Hari ang ama co.
Na sa Masedoña mula at nangaling
na si Pelodelpio ang tauag sa aquin
ang abang ama co pinatay sinupil
niyaong tampalasan na si Abderamin.
At aco.i, binihag dinala sa Turco
na pinarang anac niyaong Bayoceto
bunying Emperador para matanto mo
na tumatalagang maglincod sa iyo.
Cun gayon ang tugon naman ni Cloriana
mahal na general natalastas co na
ang iyong pag-ibig dapua,t, ang guerra
houag ipatuloy at iurong muna.
Hindi mangyayari ani Adonais
na ang pagbabaca iba sa pag-ibig
pagca,t, ang cay Venus luclucang mariquit
iba sa cay Marteng catapanga,t, bagsic.
Diyata,t, toua mo bunying Pelodel
ama co ang siyang macacaauay mo
na hindi malayo sampo namang aco,i,
mapapaquiramay sa lahat nang ito.
Tugon nang causap ualang pangyayari
na mapapayapa ang pagcadohagui
ang lahat nang caual buhay na inapi
na parang ama co na nagcacandili.