At icao na lamang ang mapag-iisa
siyang maiiuan cun aco,i, patay na
marinig ang gayon lumabas pagdaca
itong Sigesmundo sa nasabing Cueva.
Na sa libis niyaong maligayang bundoc
ang barca,i, naquita niya,t, napanood
cataua,i, pinilit at siya,i, nanaog
ang lahat nang bagay at cusang natalos.
Ang nasa sa daong ay caniyang namalas
yaong si Escañong abang napahamac
saca sa hulihan ang talang marilag
babaing daquila ang ganda,i, di hamac
Nilapitang bigla nitong nasasabic
nang mapagquilala ang himalang diquit
at itong dumulog ano,i, sa malapit
agad nang naquita ang sinta,t, ibig.
Niyacap na bigla at saca quinalong
nang pinupuhunan sa habang panahon
ngayo,i, nanariua at muling sumibol
nalantang pag-ibig nilai, nagcadahon.
Sumapayapa na nang sila,i, magquita
sa habang panahon ng pangungulila
caya nga,t, sa toua muling nagcasama
namahay sa Cueva sampo ni Laveña.
Yayang payapa na aquing ipatungo
sa cay Adonais general nang Turco
nang malalapit na sa Albaning Reino
may naquita siya na isang guerrero.
Tigmac na sa dugo dahilan sa sugat
siya,i, nagdalang aua at nahabag
pinagyaman nang saca pinabuhat
dinala sa Real nang manga alagad.