At uala ca namang aalalahanin
na anomang bagay tungcol sa cacanin
sa hicayat niya at sabing magaling
itong si Laveña naman ay umamin.
Magmula na noon doon na tumira
at si Sigesmundo,i, pinaparang ama
at saca sinabi bagay na lahat na
yaong cabagayang napagsapit niya.
Tatoin bunso co itong manga hirap
na pinapasan co sasabihing lahat
na ang carangalan sa Albania,i, buhat
ang pagca tauo co at sa haring anac.
Nacarating dito dahil sa Duquesa
sa pag-iibigan naming nagcaisa
siyang pinagmulan nang matinding dusa
sa pangingilag co sa Hari cong ama.
Ang cadahilana,i, sa di pagtitiis
na pinag-auayan naming magcapatid
dahil sa sinta co puri co,i, binanguit
na sinugatan co ang lilo,t, balauis.
Caya naligtasan ang gayong pangamba
dahilan sa aua nang mahal na Reina
na pinapagtago dito,i, nagtumirá
sa cuevang tahanan at dinatnan mo pa.
Yaon ay hindi co parang dinaramdam
madlang dalamhati aquing quinacamtan
lagui na sa loob at ala-alang tunay
na si Policenang sintang minamahal.
Pag-ibig na tunay naming nagcaisa
sa pusong may hapis laguing sasaguila
sucat hangan dito bunso co Laveña
tayo,i, umurong nang macapagpahinga.