Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/98

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


ñgayon, na maraming nasirang bahay sa salpoc ng alon at nacapamancá sa carsada sa aplaya hangan sa tapat ng camalig ni Cp." Quico ngayon, datapuat niong isang buan ay hangang sa primerong talisay sumulong ang tubig.

Ytinatanong mo ang Padrino ni José, ay si Paciano; may saquit ngayon ang batá nilalagnát at nanlalameg ang mga paá at camay, tinutubeg ni Coya Aben. Uala acong padala sa iyo cundi yang isang singsing na solong brillante, sapatillang abaloryo, may caluncutan ang dibujo at color, ay pagdamutan mo na, at hinde maasicaso ng taga Biñang ang pagaua; sa saquit na lumalacad, ngayon dine, ay hinde rin nauauala ang isaisa na tinatamaan; si compadreng Ysidoro, catapat naming si Loleng, Geño Ugoc, Faustino, ama ni Tiloy, Dimo asaua ni [Margarita, si Aciá; ñgayon fechang ito malubha si Temo[teo, at si... Jul ancho; si Pedro na inaanac mo ay naglubha rin, ñgayon ay mabute na.

Ang balita niong nagaane pa, ay magcacagutom dao dahil sa lumubog ang mga palayan at ang naane na ay naanod naman, aua ng Dios ay ang ating buquid ay hinde naanoran, may buquid na ualang natira anoman, mabute at may dumating ditong mga bigas na galing sa Saygon, at ibatibang lugar, cayá hinde masiadong namahal dine ang bigás. Marami naman ang mga asucal ng taga Bundoc na natunao sa aplaya, si Cp." Paulino ay isa sa bilang, sigurong humiguit cumulang sa 3,000 ang natunao, si Maneng ay sigurong 100$ lamang ang natunao sa caniang asucal.

Dito'i may saquit na bagong lumalacad na namamagá muna ang mga paa hangang tuhod, bago hahapoin at dalauang horas lamang ay patay na; si Toneng na ina ni Pangoy ay namatay na sa saquit na ito, si comadreng Geña Paño ay malubha dito sa saquit na ito rin. Ang compadre mo si Cp." Andres ay siang nacabile ng bahay ni Toneng caya narine na sa aming calle. Cami ay dine na natitirá sa ibaba, lumipat cami niong 5 ng Octubre. Mabute na ang aquing bianan at nag papacumusta sa iyo.

Dalauang anac ni tía Tomasa ang namatay, si ate Ave ang isa, hinde co malaman cung sino ang isa; si tío Bindoy namatay; sigurong hinde mo totoong gusto itong mga balitang ito at malumbay, datapuat ibeg cong malaman mong lahat.

Ngayon ang mga dalaga naman [ang iba] balita co sa iyo: si Ursula at si Victoria, anac ñg aling Pangoy ay nag aaral ng misa para sa noche buena, si Antonino ang maestro cung tauaguin ni Padre Domingo ay si na Boema at Trafol. Si Loleng

—72—