ción" at sila'i, ipinadala sa Cabecera, at hanggang ngayon ay
sinisiyazat cun sino ang iñá nang nasabing bata.
Ang cólera ay lumilipas na dine at bagaman may namamatay ay isa isa na lamang, marahil, ay ang nagpalipas ay mañga baguiong nag daan sa balac nang iba ay ang namatay dine la mang sa ating bayan ay mahiguit sa limang daan pati mañga hinde taga rine, hindi co totoong na seseguro ang bilang ng tauong nañga matay.
Yto at ang baguiong dumaan ang siyang dinadahilan nang pag tiguil nang Diariong Tagalog na totoong dinadamdam co na di umano'i, ang sabi sa canilang despedida ay sila'i, quinacapos nang personal.
Hinde co na isusulat dito ang balita co sa nangyari sa Maynila tuncol sa baguio at sa cólera at segurong may tinangap canang balita, baquit cami ay hinde napapaluas, cundi noong icao ay bago caaalis lamang, ang iyong pag alis dine, aco lamang yata ang pinalad na nacaquita sa iyo caya pala gayo'i, si Lucía ay mag aanac nang isang magandang lalaqui na cun macacausap co lamang ang Dios ay hihiñgin cong huag munang cunin at hindi pa natatapus ang gagauin.
Buhat na nang lumipas ang pag cacamatay nang tauo ay caming dalaua ni Paciano ay palagui nang nasasabundoc at doon na cami natutulog nang, cun sabado lamang cami umuui at cun lunes cami umaahon, dahilang si Paciano ay nag papagaua nang camalig napipihitan, ito pa ang dahilang hinde aco macasulat sa iyo, cun mausisa co'i, nacalacad na ang correo patungo diyan. Malaqui sana ang gusto co na sa tuing correo ay aco'i, macasulat sa iyo at sa catunayan ay ang mañga sulat mo ay hindi na halos mapalagay dine pate ang Cura ay naquiquibasa. Nang sinusulat co ito ay dumating dine ang sulat nang Tío Aben sa Biñan na doon dao sa canila ay to- totoong malaqui rin ang tubig na umabot hanggang sa loob nang Simbahan caya nga't, sa canilang pintuan nang solar ay hangang tuhod.
Yto na lamang, inuulit ko sa iyo na icao ay may bayao dine na nag mamahal sa iyo, at cahimanauari ay tayo mag quiquita rin at mag utos.
- MARIANO HERVOSA