Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/90

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito



limbawa ay saka na lamang ipadala ninyo sa akin sa pamama- gitan ng isang kasulatan ng pagpapalitan ng kuwalta.

Kahimanawari'y hindi kayo nagkasakit noong mga buwang naririyan ang kakila-kilabot na panauhin, ang kolera.

Isinasamo ko sa aking mga minamahal na magulang na bendisyunan nilang lagi itong kanilang anak, upang kailan man ay hindi makalimot sa mga pagtitiis na ginagawa nila alang- alang sa kanya, ni sa mga utang na loob niya sa kanila. Umaasa akong sa loob ng madaling panahon ay sasaakin ang kaligayahang mayakap kayo upang kailanman ay hindi na malayo sa inyong piling, mabuhay na kapiling ninyo, makatulong sa inyo sa lahat ng bagay at makatulong sa ikabubuti ng lahat. Niyayakap ko rin ang mga kapatid kong babae, at ipinapayo ko kina Pangoy at Trining" na mag-aral at sumulat, lalung- lalo na dito sa huli, sa dahilang dito'y nakamamalas ako ng mga nakalulunos na halimbawa. Isang hapon ay nakakita ako ng isang dalagita na may 15 o 16 ng taong gulang, namumutla, maysakit, malungkot, gulanit ang damit, na nakahilig sa puwang ng isang pader sa isang madilim na lansangan, na humihingi ng limos. Napakahina niya, napakapayat at napakamasakitin na hindi makapagsalita halos, at iniunat lamang ang isang yayat na kamay. Hindi malayong siya'y napakaganda noong una sapagka't malalaki at mapupungay ang kanyang mga mata. Noon ay malamig at siya'y nangangatal. Sapagka't wala akong dalang kuwalta, ay hindi ko siya nabigyan ng anuman.18

Kumusta sa lahat ng ating mga kamag-anak, mga kaibigan, at mga kakilala; mga halik sa mga pamangking lalaki at babae.

J. RIZAL

____________

17 Pangoy at Trining. Ang mga ito'y ang kanyang mga kapatid na sinaJosefa at Trinidad.
18 Gaanong pagkahabag ang gumigising sa puso ni Rizal ng karalitaa't

paghihikahos ng mga tao!}}

—64—