Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/698

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


253. Mga kahuli-hulihang kataga sa kanyang Ama at Ina




"Bago mamatay, patawad! Ama, sa dalamhating idinudulot

ko sa kanya nang hindi ko kinukusa!" Sa aking

pinakamamahal na Ina . . .

"


Ika-6 ng umaga,
Ika-30 ng Disyembre, 1896

PINAKAMAMAHAL KONG AMA:¹

Patawarin po ninyo ako sa dalamhating isinusukli ko sa in- yong mga pagpupuyat at pagpapagal upang ako'y mapagkalooban ng isang edukasyon. Hindi ko po ninanais ito, ni hindi ko po inaasahan.

Paalam, Ama, paalam! .

JOSE RIZAL


SA AKING PINAKAMAMAHAL NA INÁ:²

GINANG TEODORA ALONZO
Ika-6 ng umaga ng 30 ng Disyembre, 1896
JOSE RIZAL


_________________

1 Hindi mapag-aalinlanganang ang sulat na ito'y siyang katapus-tapusang sinulat ni Rizal, ilang sandali muna bago lisanin niya ang "Fuerza de Santiago" upang siya'y barilin sa Bagumbayan. Ito, gayundin naman ang sulat sa kanyang kapatid na si Paciano ay ipinadala sa mga kaanak ni Rizal pagkaraan ng ilang araw.

2 Ang sulat na itong itinitik nang ika-6 ng umaga ng ika-30 ng Disyembre ay maituturing na isang katunayang mapanghahawakan na hindi nagkaroon ng pangalawang pagdalaw ng mga kaanak niya nang umaga ng aráw ná siya'y barilin, gaya ng sinasabi ng ilan.

—672—