Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/697

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


ramdam ko nang di sapala ang iwan kang nag-iisa sa buhay, nagpapasan ng buong bigat ng kaanak at ng ating matatandang magulang!

Nagugunita ko ang kalakhan ng iyong hirap upang ako'y mabigyan ng isang karera,² naniniwala akong hindi ko inaksaya ang panahon ko. Kapatid ko sakaling naging mapait ang bunga ay hindi ako ang maysala, ang maysala ay ang mga pagkakataon. Nababatid kong malaki ang iyong tiniis dahil sa akin; dinaramdam ko iyon.³

Tinitiyak ko sa iyo, kapatid ko, na ako'y mamamatay na walang sala sa kasalanang ito ng panghihimagsik. Sakaling ang mga naunang sinulat ko'y maaaring nakatulong, hindi ko pagsisinungalingang lubos iyon, datapuwa't inakala ko noon na nabayaran ko na ang aking nakaraan sa pagkakapatapon sa akin.*

Sabihin mo sa ating ama na siya'y aking naaalaala, datapuwa't paano? Nagugunita ko ang buong kamusmusan ko, ang kanyang paggiliw, ang kanyang pagmamahal. Isinasamo ko sa kanyang ako'y patawarin sa hapis na idinudulot ko sa kanya nang hindi ko sinasadya.

Ang iyong kapatid,
JOSE RIZAL


_____________

2 Sa katotohanan, pagkamatay ni Rizal at noon pa mang ilang taong nabubuháy ito, si Paciano ang humarap at nagmalasakit sa mga kapakanán át mgá pangangailangan ng kanilang mga kaanak, kasama na rito áng náuukol sá pág- aaral at pagtatapos ng pinag-aaralan ni Rizal.

3 Si Paciano'y pinag-usig at ipinatapon; pinahirapan at sinaktan nang gayon na lamang ng mga may kapangyarihang kastila, upang mapilit lamang siyang sumigaw at magtapat ng anumang ikapapahamak ng kanyang kapatid.

4 Ito'y isa pa sa mga sigaw ng pagtatapat at pagtutol na ginawa ni Rizal nang mga huling sandali ng pagkitil sa buhay niya.




—671—