Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/696

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


252. Buhat kay Rizal para sa
kanyang kapatid na si Paciano



"Laki ng pagdaramdam kong iwan kang nag-iisa sa buhay, nagpapasan ng buong bigat ng kaanak at ng ating mga matatandang magulang!"


Real Fuerza ni Santiago
Ika-29 ng Disyembre, 1896



GINOONG PACIANO RIZAL¹


MINAMAHAL KONG KAPATID:

May apat na tao't kalahati nang hindi tayo nagkikita at hindi nakapag-uusap ni sa sulat ni sa bibig; hindi ko inaakalang ito'y dahil sa kakulangan ng pagmamahal, ni sa panig ko ni sa iyo, kundi sapagka't tayo'y ganap na nagkakawawaan kaya hindi na kinakailangang tayo'y magkausap upang magkaunawaan.

Ngayong ako'y mamamatay na, sa iyo ko ipinatutungkol ang mga kahuli-hulihang talata ko, upang sabihin sa iyong dina-
_____________________

1 "Ang sulat na ito'y tinanggap ni Paciano nang Enero, 1897, palibhasa'y nasa-lalawigan na siya ng Kabite nang barilin si Rizal. Bagaman malaki ang hangad ni Paciano na nakaalis agad sa Maynila at makisama sa hukbong naghihimagsik, ay minarapat niyang manatili muna sa Siyudad hanggang sa matapos na pagpasiyahan ang usapin ni Rizal, upang sa gayo'y huwag lumubha ang kalagayan nito; kaya't siya'y napasa-Kabite na lamang kinabukasan ng paglalagda ng hatol na kamatayan ni Heneral Polavieja. Ang hatol ng hukumang digma ay inilagda nang ika-26 ng Disyembre. Ipinadala karaka-raka sa Gobernador Heneral, at inilipat naman nito sa Auditor Heneral upang maggawad ng kanyang pasiya. Ito'y inilagda nang ika-27 sa lubos na pagpapatibay sa kahatulan ng hukumang digma, at pagkatapos ay pinagtibay namang lubos at patuluyang inilagda ni Polavieja nang ika-28 ng Disyembre." (LLR). "Nang nabubuhay pa si G. Paciano ay sinabi nito sa akin, sa harap ng kanyang pamangking si G. Leoncio, na buong higpit niyang tinutulan at sinalansang ang pagtubos kay Rizal sa pamamagitan ng sandata ng mga manghihimagsik, upang sa gayo'y mailagan ang paghihiganting maaaring gawin ng mga kastilá na sapilitang magbubunga ng maraming kasawian." (JPB)


—670—