Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/695

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


ang manggagamot ng sasakyang-dagat ay nawalan na ng pag- asang gagaling pa siya. Matagal na siyang ipinalalagay na patay, datapuwa't nabubuhay pa rin bagaman patuloy na malubha. Umaasa akong maaalalayan ko siya ng ilang araw pa. Ang bayaw ni Mang Pedro4 ay lumubha, datapuwa't hindi ako ang gumagamot sa kanya; ang sabi niya'y lumulubha raw ang iti niya.

Kagabi'y kalugud-lugod ang panahon, may buwan, hindi gumagalaw halos at naninimbang ang sasakyang-dagat.

Patuloy na mabuti ang pangangatawan ko.

Ipadala po ninyo ang sulat na ito sa daang Estraude.5 Taos na paggiliw sa mga kasambahay, humahalik ako ng kamay sa inyo at sa pinakamamahal kong ama, at niyayakap ko ang mga kapatid kong babae at mga bayaw at mga pamangkin. Mga alaala sa mga kamag-anak, mga kaibigan at sa mga bata na pinag- papayuhan kong magpakabait.

Ang inyong anak na nagmamahal nang buong puso sa inyo,


JOSE RIZAL

Ipakisabi lamang ninyo kay Josefina na hindi ako maka- sulat sa kanya dahil sa kapos ng panahon. Ariin na niyang kanya ang sulat na ito. Saka ko na siya susulatan buhat sa Port Said.
_____________

4 Tinutukoy si G. Pedro Paterno; ang bayaw nito'y nagngangalang Manuel Piñeyro, taga-Lugo, Espanya.

5 Ang binabanggit ay ang Kalyehon Estrada, na siyang tinitirhan ng kan- yang kapatid na si Narcisa, at siya rin namang kinatitirhan ng kanyang ama

at ni Josefina Bracken.

—669—