ming kumusta sa aking kapatid na lalaki, mga kapatid na babae,
mga pamangking lalaki at babae, mga tiya, at iba pa. Yayao
akong payapa ang loob sa pananalig na habang kayo'y nabu-
buhay ay magkakabuklod ang buong kaanak at maghahari sa
kanila ang dating pagtatapatan ng loob. Kayo ang siyang taling
bumibigkis sa lahat.
Napakabuti ang pagpapalagay sa akin ng Dakilang Ginoong Kapitan Heneral: ipakikilala ko sa kanya, sakaling bigyan ako ng Diyos ng panahon at kalusugan, na ako'y marunong gu- manti.
Wala ng iba pa, pinakamamahal kong ina, humahalik ako sa inyong kamay at sa kamay ng ama ko, taglay ang buong pag- giliw at pagmamahal na kaya ng aking puso: idulot ninyo sa akin ang inyong pagbasbas, na totoong kinakailangan ko. Isang magiliw na yakap sa bawa't isa sa aking mga kapatid na babae; magmahalan sila gaya ng pagmamahal ko sa kanilang lahat.
- Ang iyong anak,
- JOSE
- Ang iyong anak,
: