- Sa Kruserong "Castilla"
- Ika-2 ng Setyembre, 1896
Gng. TEODORA ALONSO:
PINAKAMAMAHAL KONG INA:
Gaya ng ipinangako ko sa inyo ay sinusulatan ko kayo ngayon ng ilang talata bago ako umalis upang ipabatid sa inyo ang aking kalagayan.
Mabuti naman ang kalagayan ko, sa awa ng Diyos; ang tangi kong ikinababalisa ay kung ano ang mangyayari sa inyo, o kung ano na ang nangyari sa mga araw na ito ng kaligali- gan at kaguluhan. Harinawang ibigin ng Diyos na ang aking ama'y huwag magkaroon ng anumang sukal ng loob.
Susulatan ko kayo buhat sa ilang dakong daraanan ng ba- por-koreo; inaasahan kong darating ako sa Madrid o kung di ma'y sa Barselona sa pagtatapos ng buwang ito. Huwag kayong mag-alaala ng anuman, tayong lahat ay sumasakamay ng Di- yos na makapangyarihan. Hindi lahat ng naparoroon sa Kuba ay namamatay, at kung sa wakas, ang isang tao'y mamamatay, ay mamatay man lamang sana sa paggawa ng mabuti.
Mag-ingat kayong mabuti at alagaan ninyo ang aking ma-
tandang ama upang tayo'y magkikitang muli. Masaganang ala-
ala sa aking kapatid na lalaki, sa mga kapatid kong babae, mga
______________
1 Sinasabi ni Rizal ang "mga araw na ito ng kaligaligan at kaguluhan." Ang mga pangungusap na ito'y maaring iniuukol sa damdaming naghahari sa kanyang mga magulang at mga kapatid dahil sa nalalapit na pag-alis at pagka- kalayo ni Rizal, gayundin sa mga pangyayaring naghahari sa Pilipinas, sanhi sa himagsikang nagsimula nang ika-20 ng Agosto.
2 Ang bapor-koreong sinakyan niya ay ang "Isla de Panay."}}