Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/683

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


245. Buhat kay Rizal para sa kanyang kapatid na si Narcisa



Bilin ng ilang makakain na ipadadala sa kruserong "Castilla." - Pinakikitunguhan siyang mabuti ng mga opisyal at ang mga ito'y ninanais niyang handugan. Ang mga magulang na matatanda'y nararapat_aliwin ng kapatid na babae. "Manalig sa Diyos na nag-iingat sa ating lahat."- Iniligtas Niya ako sa mga panganib na lalong malalaki kaysa digmaan."


Sa Kruserong "Castilla"
Opisyales
Miyerkoles
[Ika-19 (?) ng Agosto, 1896]


GINANG NARCISA RIZAL.


MINAMAHAL KONG KAPATID:

Ipakibili mo ako ng mga sumusunod na bagay:

4 kesong mabubuting yarì sa Laguna.
3 terinang foiegras (sa almasen)
24 manggang matatamis
lansones

Isilid mo ang lahat ng ito sa isang kaing o kahon at dalhin sa Carteria de la Marina (na isang maliit na bahay na naliligid ng halamanan sa tabi ng Capitania del Puerto.) Lagyan mo sa ibabaw ng isang sulat na kinatititikan ng: Mga Opisyal ng Kruserong "Castilla." (Ganito ang gawin ninyo sa lahat ng bagay na ninanais ninyong ipadala sa akin at makararating dito.) Mabuti ang pagpapalagay sa akin ng mga Ginoong Opisyal dito at nais ko rin namang sila'y handugan.


—657—