Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/680

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


243. Buhat kay Narcisa para kay Rizal


Maynila,
Ika-13 ng Agosto, 1896.


G. JOSE RIZAL,


MINAMAHAL KONG KAPATID:

Tinanggap ko ang magiliwing sulat mo at natanto ko ang doo'y sinasabi mo sa akin.

Tungkol sa iyong mga bilin, sang-ayon sa sinabi sa akin ni Josefina, ay ipinadala na raw niya. Ang mga mangga, keso, at maraming iba pa ay ipadadala ko sa iyo hanggang Sabado.

Wala nang iba, mabuti ang aming kalagayang gaya ng dati, lamang ay nalulungkot at umiiyak na paminsan-minsan si J., kapag ikaw ay nagugunita.

Ang iyong kapatid na nagmamahal sa iyo nang gayon na lamang,

NARCISA
-654-