Castilla
GINANG TEODORA ALONSO
PINAKAMAMAHAL KONG INA:
Naririto ako sa malaking pandigmang sasakyang-dagat na ito¹ na ang mga opisyal ay natatangi nang gayon na lamang. Ang Komandante ay si Koronel Santalo,² isang taong napaka- kagiliw-giliw, napakamapitagan, at kung makipag-usap ay na- kawiwili't nakapagtuturo. Kahapon ay inanyayahan akong su- malo sa kanyang hapag, at nagsaysay siya tungkol sa mga bag- yo, mga hangin, at mga hanging umiihip sa iba't ibang dagat, at ako'y natuto, nang hindi ko namamalayan, ng maraming bagay na hanggang noon ay hindi ko nalalaman. Nagdaan ang panahon nang hindi ko napansin.
Upang ako'y maging maligaya rito ay walang kulang kun-
di makita kayong lahat. Sumulat na ako sa Kanyang Kadaki-
laan, at hiniling ko sa kanyang magtakda ng isang kapasiya-
hang magpapahintulot na ako'y makapiling ninyo at ng aking
ama bago ako umalis. Umaasa akong pagkakalooban ako ng
Kanyang Kadakilaan³ ng pagkakataon. Magiging isang kapa-
ngahasang maaaring pagbuhatan ng maraming kasamaan, lalo
na para sa aking ama, na kayo'y pumarito sa sasakyang-dagat,
_______
1 Si Rizal ay inilayong samantala sa sasakyang itong pandigma sa utos ng mga may kapangyarihan, at sa kahilingan din ni Rizal, bilang tanda ng pag-iingat.
2 Si Koronel Santalo ay siyang komandante ng kruserong "Castila."
3 Ang tinutukoy na Kanyang Kadakilaan ay ang Gobernador Heneral na si G. Ramon Blanco.