kapatid na si Trinidad
Ika-2 ng Hulyo, 1896.
BINIBINING TRINIDAD RIZAL.
MINAMAHAL KONG KAPATID NA TRINING:
Tinanggap ko ang iyong liham, sampu ng mga handog ni Pangoy, at ang iyong pagbati, at pinasasalamatan ko kayo sa lahat nang iyon. Kayo ni Pangoy ay tatanggap sa Nanay ng 20 piso bawa't isa, bilang alaala ko sa aking kaarawan. Sa mga may-asawa ay wala akong sukat maipagkaloob. Sakaling may lumabis sa kuwaltang ipinadala ko kay Antonino² para sa mga bibilhin, ay ganito ang iyong gagawin: Kunin mo ang kabayarang nauukol sa mga naunang bilin, na hindi ko pa nababayaran sa iyo, at anumang halaga ang lumabis ay paghahati-hatian ninyo nina Nanay, Antonino at ikaw. Binibigyan ko si Antonino ng 100 piso para sa mga bibilhin. Sakaling walang malaking halagang lumabis, ay magtiis-tiis ka na muna ng kaunti, at padadalhan kita ng kuwalta sa koreong susunod.
Ipakisabi mo kay Pangoy na ikinatuwa ko nang gayon
na lamang ang mga panyo niya.
_______
1 Ang binabanggit na sulat ni Trinidad ay hindi makita sa mga kasulatan ni Rizal. Ang mga sinasabing handog ni Pangoy (Josefa) kay Rizal dahil sa kaarawan nito ay mga panyong may mga unang titik (inicial) ni Rizal na ibinurda.
2 Binabanggit si Antonio Lopez, ang pamangkin ni Rizal, na siyang pumapalit sa kanyang amang si Antonino Lopez sa pamimili ng mga bilin ni Rizal, kung ang kanyang ama'y wala sa Maynila.