Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/667

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


patos para kay Pasia, datapuwa't ang para sa kanya ay wala. Datapuwa't kinakailangang kami'y magtiis. - Titingnan ko kung ko'y makapagpapadala sa iyo ng kuwalta sa koreong ito; sakaling hindi, ay tiyak na mapadadalhan kita sa susunod upang ibayad sa mga bilin ko. Nangangamba akong kung hindi mo naipadala ang mga sapatos na ipinabibili ko para sa kanya, ay walang ibang dahilan kundi ng kakapusan ng kuwalta. Titingnan ko kung makapagpapadala ako sa inyo tuwing koreo ng langis, mantika, at iba pa, datapuwa't pinipigil ako ng kahirapan ng pagpapadala.

Ang iyong liham ay ipinadala kay Naria; sinasabi nilang siya'y malubha. Si Ferne ay hindi tutuloy sa bapor na ito, datapuwa't sinasabing siya'y aalis sa susunod, at siya'y mangangasera sa bahay. Nangangamba ako nang gayon na lamang na baka siya'y magpasakit ng inyong ulo, datapuwa't gawin ninyo inaakala ninyong nararapat. Kung itatanong ninyo ang aking palagay, ay inaakala kong mahihirapan kayong mga babaing magwasto sa batang ito. Sa maikling sabi, ay alam ninyo kung ano ang makabubuti sa inyo."

Wala nang iba, mag-utos ka sa iyong kapatid na nagmamahal sa iyo.

JOSE RIZAL


_________

4 Si Ferne ay isa sa mga tinuturuan ni Rizal, na ang tunay na pangalan ay Fernando Eguia. Ito'y nag-aral sa Ateneo, at sapagka't siya'y sinuntok ng isang paring hesuwita, ito'y ginanti niya ng isa ring suntok.

5 Mapagkikilala ang pangamba ni Rizal sa nangyari kay Fernando Eguia sa Ateneo at dahil sa kanyang kaugalian, marahil, sa Dapitan. Gayunma'y hindi natuloy ang pagtungo ni Fernando sa Maynila.

-641-