BINIBINING TRINIDAD RIZAL,
MINAMAHAL KONG KAPATID NA TRINING:
Tinanggap ko ang liham mo, at ang mga ipinadala mo gaya rin ng paktura at pinasasalamatan kita sa lahat ng iyon. Sa pamamagitan ng kalakip na sulat ni Insik Pedro ay makasisingil ka ng 100 piso; sa halagang ito'y kukunin mo ang 22 piso at isang sikapat para sa ipinadala mo sa akin sa koreong ito, at ang natitira'y ibibili mo ng mga biling nasa-talaan; kumuha ka ng iyong komisyon sa mga biling may tandang kurus, at anumang malalabi sa salapi ay ibigay mo sa ating ina upang maibayad sa bisikleta. Kunin mo rin ang halaga ng kanyamo, lakre at mga bakya. Tatanggapin din ninyo ang isang kahong may lamang isda, kakaw at mga aklat. Si Binibining J. ang gumawa ng mga daing at nararapat ninyong paghati-hatiin nina Senyora Neneng, Senyora Sisa, ng mga tiya, at ni Mang Hino. Ang kakaw ay para sa inyo riyan sa bahay, at ang mga aklat musika ay kaloob ni Binibining J. kina Angelica at Delfina.
Ayoko ng bisikletang napakamahal; ang ninanais ko'y isang matibay na maaaring tumakbo sa buhanginan at sa mga daang ng