Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/631

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


221. Buhat kay Rizal para sa kanyang Ina




Dapitan,
Ika-18 ng Disyembre, 1895


PINAKAMAMAHAL KONG INA:

Nabasa ko ang inyong ang inyong liham nang ika-14 ng buwang ka- salukuyan at lubos kong nauunawa ang mga ipinangangamba ninyo at ng aking ama tungkol sa aking pagparoon sa Kuba, gayunman, gaya ng sinasabi ninyo, ay nararapat tayong manalig sa Diyos. Hanggang ngayon ay iniligtas niya ako sa lahat ng pa- nganib, bakit hindi niya ako ililigtas sa mga panganib sa haha- rapin? Inulit ko, samakatuwid, ang kahilingan ko, sapagka't wala akong natatanggap na sagot sa una kong sulat.

Kung kayo'y walang naririnig diyan tungkol sa aking pag- alis, ay ninanais ko sanang ako'y ibili ninyo ng isang bisikleta, hindi ang pinakamabuti, ni hindi naman ang pinakamasama, na gamit na, at nagkakahalaga ng hindi hihigit sa 100 piso. Ma papakiusapan si Pepe Leiva na ibili ako ng isang mabuti upang magamit ko sa mga pagdalaw sa kabayanan, ni hindi ang pina kamabuti, ni hindi naman ang pinakamasama. Ang kuwalta'y ipadadala ko sa susunod na koreo at daragdagan ko ng 100 piso para sa aking ama at para sa inyo.

Tatanggapin ninyo buhat sa Kapis ang 50 piso, at 50 piso rin buhat sa Sambuwangga, na manggagaling sa maraming may- sakit na ginamot ko. May kuwalta ako rito datapuwa't wala akong mapagpadalhan.

Sakaling maningil si Schandenberg ng bagong pagkakautang ko, gayon din si Ginoong M. de los Reyes, ay pikibayaran ninyo sila. Babayaran ko sa inyo.

—605—