long oras sa inyo, kaya't karaniwang kayo'y natutulog kapag kami'y nakagising. - Umaasa akong kayo'y mabubuting gaya ko rin; napapansin kong ako'y tumataba.
Pinaaabot ko ang lalong magiliw na kumusta sa inyong lahat at sa lahat ng mga kamag-anak, at kapag sumulat kayo sa akin ay balitaan ako tungkol sa mga pamangkin at mga kaibigan. Ipakikumusta ninyo ako sa Kura,34 kay Kapitang Juan 35at sa iba pa.
At bendisyunan ninyo ang inyong anak na walang ninana- sa maliban sa inyong kaligayahan.
- JOSE RIZAL
- Barselona,
- Ika-29 ng Hunyo36
Ngayon, na malamang ay pista sa baybayin,37 ay wina- wakasan ko ang mga sulat na ito, taglay ang hinanakit na hindi ako nakakatanggap kahit isang sulat na galing sa inyo sa koreong nanggaling diyan.
Sulatan nga ninyo ako at huwag kayong magmatamad.
Inaakala kong magiging lalong mabuti kung may isang
bahay kalakal dito na magbibigay sa akin ng pera sa simula
ng bawa't buwan. Ito'y magagawa sa pamamagitan ng isang
sulat-utos ng isang bahay kalakal diyan.38 Ang kaanak ni
Cabangis sa Tundo, na nakikilala ng kapatid kong lalaki ay......
______________
34 Ang kurang tinutukoy ay ang kura sa Kalamba, na si P. Leoncio Lopez.
35 Ang binabanggit na Kapitan Juan, ay ang naging Kapitan Munisipal
ng Kalamba sa loob ng dalawang taon (1867-1868), si G. Juan Banatin, at
ang bahay ay nasa-tapat ng bahay ng mga magulang ni Rizal.
36 Ang bahaging ito ng sulat na may ibang petsa, na marahil ay kay Rizal
din, bagaman walang lagda, ay ipinadalang kasabay ng sulat na may petsa
23 ng Hunyo.
37 Ang binabanggit na pista sa tabing-dagat ay ang sa nayong nasa-bay-
bayin ng lawa ng Kalamba, na ang pintakasi ay sina San Pedro at San Pablo.
38 Ang hangad na ito ni Rizal ay hindi mangyari sanhi sa kasalatang ina-
bot ng kanyang angkan, bukod sa pangyayaring si Rizal ay nagtungo sa Madrid
sa halip na lumagi sa Barcelona, bagaman ang kanyang kapatid na si Paciano
ay nahahandang magbigay-loob sa kanya, gaya ng mamamalas sa sulat nito nang
ika-12 ng Nobyembre, 1882.