gana ba kayong kumain?" at maraming iba pa. Nagpakalawig
ako sa pagsasaysay ng ilang bagay upang mailarawan sa inyo ang
mga damdamin at mga kalagayan ng isang baguhan. Ngayo'y
tila kilala ko na ang Barselona at sa akin ay parang malaki at
maganda siya, at nagugunita ko ang Marselya at Nápoles na parang isang panagimpang maningning at naparam. Natutuklasan ko sa bayang ito ang ilang hiyas at mahahalagang bagay,
maririkit at magagarang bahay na iba't ibang anyo ang pagkakayari, na ang arkitektura ay Arabe o Griego Romano. Nahihiyang na ako, at pinanonood ko siya na taglay ang kasiyahan. Pinahiram ako ng pera ng mga Paring Hesuwita at baka raw ako
kinakapos o may mangyaring anumang bagay sa akin. Nalibot
ko na ang kanilang Dalubhasaan, at pinag-aaralan ko ang iba't
ibang bagay na magagamit diyan pagbalik ko.31
Dumalaw ako sa isang pagawaan ng porselana na ikinalugod ko nang gayon na lamang, at binabalak kong pumaroon sa isa pang pagawaan ng salamin, mga bagay na yari sa luwad, at iba pa. Dito'y may nakikitang . . . na maaaring gawin diyan.
Kapag nais ninyong sumulat sa akin, na inaasahan kong inyong gagawin tuwing koreo, ay ganito ang isulat ninyo:
Ginoong Jose Rizal
Daang Sitjes, Bilang 3 p. 3
Barselona, Espanya.
Kung ipadadala ninyo ng sertipikado, sa susunod na koreo, ang katibayan ng aking kapanganakan at isang patotoong ang mga magulang ko't kaanak ay naririyan, ay maaaring pakinabangan ko ang mga iyon.
Aywan ko kung nakatanggap na kayo ng mga sulat ko;32 lumiham ako nang ako'y nasa-Singgapur, Tangos ng Gales, Aden, Suwes, at ngayon. Umaasa akong tatanggap sa susunod na koreo ng mga sulat para kay Pare Ramon Villalta.33
Sa bawa't sandali ay hinahagap ko kung ano marahil ang
ginagawa ninyo sa oras na ito; ang orasan dito'y huli nang wa-
_____________
31 Nang dumating si Rizal sa Barselona ay panahon ng pamamahinga ng mga nag-aaral. Samantalang hinihintay niya ang pagbubukas ng mga klase ay walang hinaharap si Rizal kundi ang maglibot at kilalanin ang siyudad, at upang tingnan at siyasatin ang iba't ibang industriya doon upang, ang wika nga niya'y maitatag naman sa Pilipinas. Hindi niya naisip bahagya man na lubhang maraming iba't ibang pangyayari ang naghihintay sa kanya upang siya'y itaboy sa ibang landas ng kapalaran!
32 Sa mga sulat na binabanggit ay walang nakikilala kundi ang kanyang ginawa sa Kanal ng Suwes nang ika-7 ng Hunyo, 1882, at nalathala sa katipunang ito ng mga liham na may tandang Blg. 7 ng Sandaang Sulat.
33 Si Padre Ramon Villalta ay isang paring heswita sa Barselona, na siyang pinagtagubilinan kay Rizal.