Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/60

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito



ang nakatagpo ko ay ang nagmamay-aring babae lamang, isang babaing butihin at malumanay ang ugali) na ang ugali ay inagaspang at bastos, masama ang bihis, at nang makita kong sa lahat ng silid ay mga parè ang labas-masok, at sa lahat ng dako, ang naririnig ko'y isang matigas na wika ang sinasalita, na dili iba kundi ang wikang Katalan. Sa hapunan ay walang inihain kundi isang pinggang gulay at isa pang pinggang isda. Tinawagan ko ng pansin ang mga parè, na siyang mga tanging nanunuluyan sa bahay; at napag-alaman kong sa ilalim ng magaspang na ugali, ay may natatagong mabuting kalooban. Unti-unting naparam ang maliliit na pag-aalinlangang iyon, at sinimulan nilang ako'y pakitunguhan nang may malaking pag-aalang-alang, lalo na ang isang prayleng nanggaling sa Kuba. A! Nakalimutan ko palang sabihin, na noong ibalita sa akin sa Dalubhasaan ng mga Heswita na si Cuesta27 ay tumitira raw sa bahay ding iyon, ay nagmadali akong pumaroon upang makita ang kababayang ito, datapuwa't hindi ko siya nasundan sa dahilang pumaroon siya sa Manresa. Kaya, ako'y tumigil sa bahay na iyon upang siya'y antabayanan, bukod pa sa mga kadahilanang ukol sa salapi na pumilit sa aking tumigil doon. Kinabukasan, sa tulong ng isang mapa, ay sinimulan kong maglakad sa mga daang itong sala-salabat upang hanapin ang mga kababayan ko. Ang ilan ay natutulog pa. Tumungo ako sa pagamutan28 upang doon sila antabayanan, at pagkaraan ng mahabang panahon ng pag-aantay, ay itinuro sa akin ang bahay ng isang kababayan. Nakita ko si Cabangis, 29 at buhat noon ay nagkaroon ako ng lalong mabuting araw. Sunud-sunod kong natagpuan ang mga iba pa na pawang nangagsitanggap sa akin nang mabuti at inihanap nila ako ng bahay na lalong malinis at mura; nakita ko si Cuesta na nagbalik buhat sa Manresa; sa anu't anu man, buhat noon hangga ngayon ay nawiwili ako sa Barselona at ako'y nabibighani niya nang higit. Ngayon ay tumitira ako sa ikatlong palapag ng bilang 3, Daang Sitjes,30 kasama ni Caba ngis at iba pang mabubuting mga mag-aaral na mapipitagan at magagalang, pinaglilingkurang mabuti ng babaing pinangangaserahan na nagngangalang Senyora Silvestra na lagi nang nagtatanong sa akin: "Don Pepe, may nais ba kayong anuman? May
______________

27 Maximo Cuesta ang tunay na pangalan ng hesuwitang ito. Siya'y taga-Pangasinan, na nag-aaral ng deretso.

28 Ang tinutukoy na ospital na ito ay inaakalang nasa-Barcelona.

29 Si Tomas Cabangis ay isang binatang taga-Tundo Maynila, na kabilang sa isang angkang mayaman, at nasa-Barcelona noon upang mag-aral ng medisina.

30 Ang Daang Sitjes ay isang daang maikli at makipot sa Barselona, na siyang nilipatan ni Rizal buhat sa kanyang dating tinitirhang bahay sa daang S. Severo, sa tahanang kilala sa tawag na "La Verdad".


—34—