Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/588

Mula Wikisource
Nabasa at naiwasto na ang pahinang ito


201. Buhat kay Rizal para sa kanyang kapatid na si Trinidad




Inaanyayahan ang kanyang mga kapatid na babaing magbakasyon sa

Dapitan. Titingnang baka sila'y makapangalakal at nang malibang at mabawi ang mga gugol sa paglalakbay. Ang tinggalan ng tubig ay mataas na, hindi maituloy dahil sa kakapusan ng apog. - "Sabihin mo kay Nanay na ang manugang niyang galing sa Europa ay malapit

nang ikasal."
Dapitan,
(Walang petsa), Miyerkoles


BINIBINING TRINIDAD RIZAL


MINAMAHAL KONG KAPATID NA TRINING:

Ngayon lamang dumating ang bapor. Tinanggap namin ang lahat na ipinadala ninyo at ipinahiwatig sa akin ng sulat mong hindi naman nagtagal ang iyong pagkakasakit.

Kaming lahat dito'y nananabik makakita sa inyo at maraming nagtatanong kung kailan kayo babalik. Inaakala kong sakaling ninanais ninyong pumarito ay magagawa ninyo at makatitigil kayo rito ng ilang buwan. Kayo'y makapangangalakal na makalilibang sa inyo at mapagtutubuan ng ginugol sa paglalakbay. Kung inyong ninanais pumarito'y maaari ninyong isama si Antonio.

Ang mga maysakit ay naririto. Ang matanda'y nakatira sa bahay na bilog kasama ang anak niya; si Donya Manuela ay kasama namin.

Ang tinggalan ng tubig na ipinagagawa ko'y hindi maituloy dahil sa walang apog, bagaman mataas na mataas na. May labing-apat na batang lalaki sa bahay at may isa pang nagnanais pumarito.


—562—